Wednesday, October 3, 2007

Matud Nila

Matud Nila...



-yan ang kaisaisang kanta na nakita kong kinanta mo ng buo.



si keempe, si pikoy...



-mga ibon mo habambuhay tatatak sa isip ko. nakakatawang isipin na madidinig mo si keempee na sisispol at magsasabing "panget! panget!". nakakatawa din nung pinagalitan mo ko dahil pinakain ko ng tinapay si keempee at bumara sa bibig niya yun. katangahan ko talaga.



yung family tree ng sicat



- utang ko pa ito sa iyo. di ko alam kung bakit ko hindi nabigyan ng panahon. sorry lo.



war/action movies



- eto yung mga pelikula na gusto mong pinapanood. naala ko pa nung binigyan kita ng saving private ryan. hehe, sinalan mo agad at pinanood natin.



alay lakad sa antipolo



- dito ko nakita ang sobrang lakas mo, hehe, sila mama pagod na ikaw nauuna pa at naghihintay. bakit ganun? biglaan.



"bibili ka din niyan."...



- yan yung sinasabi mo sakin tuwin sinasabi ko na binenta ni mama yung civic.



nonoy ko...



- yan yung tawag mo saking tuwing yayakap ako at haalik sayo.



airgun...
- yan yung baril na gusto kunin at hingin sa inyo dati.

yung bmx kong red...

- yan yung bike mo na naging akin. naalala ko pa nung dinadala natin yun kina joker para ipaayos at bilhan ng parts.

"i love you all my life"...


- yan yung kaisaisang text message mo sakin. di ko nareplyan dahil nahihiya ako sayo. pero mahal na mahal din kita lo. nandun ka palagi para sa amin. naalala ko pa tuwing sinusundo niyo ko dati sa notre. naala ko pa nung nakipagsuntukan ako at nagulpi. nagalit kayo dun sa kaaway ko.







ilan lang yan sa mga naalala ko... at maalala ko habangbuhay... salamat lo... maraming salamat...